Jump to content

TINGNAN: Ati-Atihan festival ng Kalibo dinagsa ng mga turista, deboto


Recommended Posts

Posted

20200119-ati-atihan1.jpg

KALIBO, Aklan — Siksikan sa mga kalsada sa bayan na ito ngayong Linggo ang mga turista at deboto ng Sto. Niño para sa taunang Ati-Atihan festival.

20200119-ati-atihan2.jpg

 

Umaapaw ng mga imahen ng Sto. Niño o batang Hesus ang labas ng simbahan para pabasbasan ito.

Pagkatapos ng misa ay dumagundong na ang tunog ng drums sa mga lansangan na tila ba street party.

Ang ilang banyaga, sumali sa mga tribo at nakiindak.

Agaw-pansin din ang mga makukulay na costume ng mga tribo kaya patok ito sa mga dayo, lalo na sa mga mahihilig sa selfie.

20200119-ati-atihan3.jpg

 

Naging maayos naman ang daloy ng parada ng mga tribu at wala pang naiulat na insidente, maliban sa ilang mga bata na nahiwalay sa kanilang mga magulang sa kalagitnaan ng pagdiriwang.

Ipinagbabawal sa festival area ang mga bote at matutulis na bagay.

Nagpatupad din ng signal shutdown sa lugar mula alas- 4 ng umaga na tatagal hanggang alas-9 ng gabi.

Ang Ati-Atihan festival ay kinikilalang "Mother of Festivals" ng Pilipinas.

 

 

 

 

 

Guest
This topic is now closed to further replies.
  • Recently Browsing   0 members

    • No registered users viewing this page.
×
×
  • Create New...

Important Information

By using this site, you agree to our Terms of Use.